1. Namiss ko sumakay ng bisekleta tas dun dumadaan sa bicycle lane
2. Namiss ko yung tunog dun sa kalye na parang nagsisignal ng "paalala" dahil malapit na mag-red light (Nashock kame lalu na mga IGNORANTE katulad ko, dahil hindi pa nga naka-red light mga 1sec togo pa lang before mag-red light naka-stop na lahat ng sasakyan)
3. Namiss ko ang bihirang trapik
4. Namiss ko rin mga taong kasabayan ko sa daan na tila may kung anong emergency dahil halos sila lahat nagmamadali na para bang wala nang bukas... bilis nila maglakad lahat, time is gold nga raw eh!
5. Namiss ko sumakay ng train kahit hindi ko kabisado mga stations at muntik ng mawala buti may dumating na kakilala kundi..patay!
6. Namiss ko ang bullet train natila mala-eroplano may parang stewardess pa na nag ooffer o rather nagbebenta ng kape at kung anu-anong makakain
7. Namiss ko mala-sensored na mga toilet bowl sa CR at para bang nagpapagandahan sila ng banyo dahil halos lahat ng banyo iba-iba disenyo
8. Namiss ko mga kapalpakan ko dun lalo na nung "Nasaan ba ang pinto?" Sabay takbo ni Receptionist papunta samin para ituro ang automatic door! LOL. At ang tila pagpindot sa button na akala ko FLUSH yun pala tubig na pangpunas sa pwet! at ang mejo mainit na toilet seat!! XD
9. Namiss ko rin yung time na kumain kami ni Josabel sa isang fastfood chain "Lotteria" ng biglang sabi ni Josa, "Joy" sabay turo dun sa babala... Ako naman tong tange biglang nagpanic at nabasa ko lamang eh yung kanji ng 禁(kin o bawal) at 席(seki o upuan), biglang yun lang ang naregister sa utak ko yung "bawal dun umupo" kuno, well infact yun pala eh 禁煙席(Kinenseki o Non Smoking Area). LOL Kaya pala weird ng tingin ni Mr.Waiter. XD
10. Namiss ko rin ang kada-kalye may naka-Japanese sa palibot at bihira lang ang ENGLISH na makikita mo. Kaya nung dinatnat ako ng monthly period, nahirapan ako bumili sa convenient store ng napkin, nalilito sa rami ng kanji nakikita ko, hindi ko na malaman san dun ang kelangan ko, dyahe rin tanungin si Kuya about it (yung cashier ba) XD
11. Namiss ko rin yung mga trips namin kung saan saan, mga "kengaku" o fieldtrip sa Kyoto, Kobe, Tokyo at Hiroshima, pati mga nakilala naming university students sa Waseda at Kobe University.
12. Namiss ko rin mga mala-workshops, at mga tasks namin like Speech at Happyokai (presentation) at higit sa lahat yung Japanese related classes namin with certain number of people na hinati na ng mga taga-JF Center para sa Cultural Exchange chorva...
13. Namiss ko rin ang mala-hotel na kwarto ko sa room 1502
14. Namiss ko rin yung mini-ref ko sa loob ng kwarto which pinuno ko ng samot saring pagkain noon (lalo na chocolates)
15. Namiss ko rin ang mala-all-purpose ID namin na room key na, mala-credit card pa, dahil dun rin naimbak yung certain "credit points" na dun pagkukunan ng bayad kung dun ka kumain sa Shokudou (Cafeteria)
16. Namiss ko rin ang Laundry Room kung saan halos lahat ng damit ko nasira dahil sa warsyak na lakas ng powaa ni Washing Machine at ni Dryer... at namiss ko rin ung makuryente dahil sa short circuit na washing machine...
17. Namiss ko rin yung time na inubos ko lahat ng 100coins ko para sa lintik na nakaka-adik na vendo machine!!
18. Namiss ko rin ang Akihabara na tila gadget paradise~ daming laptops, psp, nintendo etc etc etc at yung mga maidcafe girls na binigyan pa talaga ako ng pamphlet nila...
19. Namiss ko rin ang gumala mag isa sa Rinkuu Town at sa Yamada Denki para bumili ng Ext Harddrive dahil ang dapat kasama ko sana eh ayun nakikipagdate kay **** Peace~ :P
20. Namiss ko rin ang experience na matumba sa bisekleta sa harap ni manong guard XD
21. Namiss ko rin ang Home Visit kung saan libre kaming ginala at pinakain~
22. Namiss ko rin mga bata dun sa Chounan Elementary, yung mga kalaro kung boys dahil pareho kami ng hobbies kaya mabilis ko silang napa-amo XD
23. Namiss ko rin yung mga rumors na may mumu daw sa 6th floor at nung magtry mag Ghost hunting sa 6th floor bigla ba namang bumulaga ang mga taong nananakot nakasuot pa ng puting tela~ XD
24. Namiss ko rin yung maaga ka gumigising dahil kelangan, dahil kesho may fieldtrip o may klase
25. Namiss ko rin ang Linggo dahil dun libre kami sa isang araw kahit saan ka pa pumunta
26. Namiss ko rin yung fieldtrip namin sa Kobe na una hinatid kami by bus pero nung pauwi na by train na at kami-kami lang nun, natakot pa kami baka di na kami makauwi ng buhay (yung iba mayayaman kaya sumakay talaga ng taxi...mahal taxi dun eh... hindi keri! XD)
27. Namiss ko rin ang pagkain dun na ang una-una ko talagang maisasambit eh... "sagbut" o sa tagalog "damo" dahil puro greeny kinakain nila bihira meat
28. Namiss ko rin pagkain sa Cafeteria.. lalo na yung number 8. XD
29. Namiss ko rin yung kakulitan ng mga kaibigan naming Indians.
30. Namiss ko rin yung mga languages na maririnig ko pag nag-uusap ang mga galing sa iisang bansa, gaya ng Russia, India, Turkey, Thai at iba pa.
31. Namiss ko rin ang mga temples at shrines :)
32. Namiss ko rin ang ubod mahal na price ng mga bilihin dun, isang dvd lang nasa price ng 3000 yen up to 6000 yen, pag boxsets nasa 25000 yen!!!! :O sa damit, sandals at bags... hindi rin KERIIII!!
33. Namiss ko rin ang bathtub ko sa room, at ang mainit na tubig, na pag hindi ka nag ingat at yun ang naopen mo malamang, mapapaso ka sa sobrang init!
34. Namiss ko rin ang massage chair na available sa kada-lounge
35. Namiss ko rin ang uber updated na songlist ng Karaoke room
36. Namiss ko rin ang uber linis at organized na lugar, wala ka masyadong makitang basura sa paligid at lahat ay naaayon sa dapat nilang kalagyan
37. Namiss ko rin ang simoy ng hangin dun na tila ba preskong presko kahit na ikay nasa syudad
38. Namiss ko rin ang panahong nagtitinginan kami ni Josa nung sinabi samin ng kaibigan naming naiinitan raw sya at totoo naman dahil pinagpapawisan na sya at namumula na pero kami naman ni Josa, lamig na lamig na sa panahon na yun, nagjacket pa nga kami e sa sobrang lamig, tas sasabihing MAINIT AH.. :O
39. Namiss ko rin ang gumala na pagkalakas lakas ng ulan at hangin pero yung transparent na payong ko di man lang natinag, kung tutuusin 100yen lang naman yun! :O
40. Namiss ko rin mga kulitan namin ng mga kasama ko dun sa program
41. Namiss ko rin ang kabutihan at magandang pakikitungo ng mga hapon sa amin
42. Namiss ko rin bumili sa grocery na ako pa ang naglagay ng mga binili ko sa supot dahil yun ang tradition doon
43. Namiss ko rin iligpit ang pinagkanan ko sa McDo dahil yun din ang patakaran don (hindi lang sa mcdo, halos lahat ng mapagkakainan ganon dun, although hindi naman lahat, kase may restaurant naman kaming napuntahan na hindi na kami yung nagligpit)
44. Namiss ko rin yung isang part na dumaan kami sa isang taniman ng Negi (spring onions) na nung madaan kami akoy tila na-sober sa sobrang lakas ng amoy (tsaka ang lalaki kaya ng mga Negi nila dun! Bumaliktad sikmura ko dun eh~
45. Namiss ko rin makakita ng mga gulay/prutas na 2,3x ang laki kesa sating gulay..gaya ng cabbage, tomato at kung anu-ano pa
46. Namiss ko rin ang kumain ng cake nila na hindi masyadong matamis, tamang2 lang.. :)
47. Namiss ko rin sumakay ng Eroplano (Ana Airlines) papuntang Tokyo, at makita sa eroplano ang tuktok ng Mt.Fuji
48. Namiss ko rin ang sumakay ng Shinkansen (bullet train) papuntang Hiroshima
49. Namiss ko rin ang mala-masterchef class namin nung kami pinaluto ng mga japanese delicacy dun sa Kyoto at Hiroshima-style Okonomiyaki pero mas prefer ko parin ang Osaka Okonomiyaki eh.
50. Namiss ko rin ang mga nakakasalubong kong girls na tila ba nasa fashion show ka
51. Namiss ko rin ang maglaro ng badminton sa Hall kasama ang mga naging kaibigan ko dun sa center kasama pa yung mga nasa ibang program
52. Namiss ko rin ang dumekwat..este kumuha ng mga bagay dun sa "muryou" or "free stuff" corner o sa tabi ng basurahan kung saan pag panahon nang umuwi nung mga delegates sa ibang program, lahat ng extra gamit nila na di na nila mailagay2 sa maleta e dun nila nilalagay para free kunin ng mga ibang delegates sa ibang program
53. Namiss ko rin maglakad-lakad sa katabing park ng JF Center, ang marble beach, sarap nga sana maligo dun sa dagat pero pinagbawal na paliguan dahil may contamination raw
54. Namiss ko rin maglakad sa mala-bunduking Kyoto... malamang kung dun ako nakatira, papayat ako kakaakyat ng HILLS! XD
55. Namiss ko rin hawakan ang Deer kung saan nagkalat dun sa Hiroshima
56. Namiss ko rin pagkain ng Momiji Manju na nadala ko pa dito sa pinas as pasalubong
57. Namiss ko ang BOOK OFF kung saan andaming murang manga dun! mala-treasure island!
58. Namiss ko rin ang sandamakmak na shukudai (assignments) na last minute ko na ginagawa~ :P
59. Namiss ko rin ang 100 yen shop kung saan marami ka ng mabibiling kung anu-ano gaya ng sets ng chopsticks, wallet, stationery, pangkusinang kasangkapan at iba pa sa halagang 100yen sa kada item
60. Namiss ko rin ang murang chocolates na nasa range ng 100 - 150 yen
61. Namiss ko rin ang mga breed ng aso nila na tila gaya ng CR eh nagpapasiklaban sila dahil halos lahat iba-iba ang breed ng aso... :O
62. Namiss ko rin ang mga pusa na 2,3x ang size sa mga pusa natin dito, malnourished pusa natin dito sa kanila healthy eh! XD
63. Namiss ko rin ang mga Japanese teachers ko dun...
64. Namiss ko rin ang Osaka Dialect na nung nagorder kami sa isang fastfood chain eh napanganga kami ni Josa at tila wala kaming naiintindihan sa mga sinabi nya, hanggang sa naisipan nyang ituro samin kung ano yung gusto niya ipahatid, "softdrinks" lang pala. Langya! Pagmabilis na Osakaben parang intsik o koreano pakinggan eh! lol. Natawa yun malamang samin, ang muntanga ng mukha namin eh! Nakanganga~ XD
65. Namiss ko rin ang High Speed Internet, nagdownload ako ng mala-22 o 30 gigabytes within 5hours lang tapos na, ang 250MB nga 5minutes lang eh!!! >_
66. Namiss ko ang buhay ko sa Japan, kung saan tila mala-paraiso ang natikman pamumuhay dun, kung saan libre ang lahat mula fare papunta manila/japan, allowance para sa 6weeks na stay dun sa JF Center.
Ni sa panaginip hindi ko lubos aakalain na ang first trip ko abroad ay dun pa sa pinakamamahal kong Japan bukod sa libre na nga lahat, may natutunan na, marami pa akong nakilalang tao na masasabi kong kinararangal ko silang makilala at naging close na kaibigan. Sabi nga naman ni Yuuko, There's no such thing as coincidence, only the inevitable. Minsan, nakakalimutan ko na dapat maging masaya tayo dahil minsan maswerte tayo, oo, hindi lahat ng oportunidad nakukuha natin pero sabi nga ng dakila kong Ina, kung hindi mo man nakuha ngayon ang matagal mo ng minimithi may nakaantay at nakaabang na biyaya para sayo. Patience is a virtue, ika nga. Hinding hindi ko malilimutan ang naging experience ko sa Japan, dahil dyan ako nakatikim ng halos lahat ng "first time" at higit sa lahat hindi lahat ng tao nakakapunta sa ibang lugar na halos lahat eh libre at tinustusan na ng Gobyerno. Malamang kung meron man akong nagamit na pera dun eh, yung para sa boarding pass which na-reimburse naman, siguro nagasto ko lang talaga na wala sa itinerary nung study program eh yung pag-asikaso lang ng passport ko, lahat pati visa libre na kase eh. Although nakakabitin parin, kulang 6weeks eh. hahaha Pero chox narin... libre naman eh, wala ka ng mairereklamo pa dun. :)