7/10/11

kataomoi(片思い)

Kataomoi = One-sided love

sa loob ng ilang taon ako ang isa sa mga nilalang na nababagay tawaging "NBSB" o no-boyfriend-since-birth, nakakahiya man aminin, pero yan ay totoo. Pero I don't mind. Masyado pa akong pre-occupied sa mga plans ko sa hinaharap para pag-isipan ang mga bagay-bagay with regards to that.

But that said, meron din naman akong lihim na pag-ibig, syempre sa opposite sex, marami na akong crushes, nung simula pa ata ng kindergarten days ko may crush na ako, and I remember I was trying to flirt with him, but sad to say, nakalimutan ko na ang existence nya, magmula sa pangalan at mukha (sorry for having a "selective memory") basta naalala ko I was trying to flirt with the boy! 

Tapos yun, next kung naalala yung crush ko 2nd grade, yung boy naman na yun bading na ngayon, pero dati, nung lalaki pa sya pinagdidiskartehan nya yung bestfriend ko nun... ofcourse, galit2x daw ako sa kanya sa pangungulit nya pero actually I was hoping sana ako crush nya (pero di na ngaun ah, bading na un eh).

Tapos pagka-alala ko, grade 5 ako nun, ay di pa pala, nagkakilala kami nitong guy nato, grade 4, at sobrang angas nya noon! (Ngayon, di ko lubos akalain, sobrang relihiyoso! Ano ba nangyare dun, nabagok ang ulo? Pero good for him).

Ayun nga si R, nagstart syempre sya as hate, sa sobrang kakulitan nya nung elementary (abay tinangkaan pakong halikan nung gago, 初キスを奪うなてめー!!) Buti naagapan ko, pero nung nag-away kami ng uber grabe, dun nagstart na syang umiwas hanggang sa palagi pag may chance mag usap kami puros bangayan at wala kaming pinag-usapan na matino na para bang nagkalapit kami bilang magkaibigan...

Up to now, hindi ko rin alam yung feelings nya para sakin, after all, sa lahat dun ako lagi inaasar nya, syempre nung dinedma na nya ako, namiss ko sya sobra, hanggang sa narealize ko, crush ko na pala sya, lagi nya akong kinukutya lalo na dahil nga nasa puberty age na mejo yung breast ko eh (mejo) mas malaki kaysa sa ibang girls (kung alam ko lang noon, count as sexual harassment na yun pina-pulis ko na yun eh, JOKE) pero syempre hindi ko gagawin yun, mahal ko yung tao eh (noong panahon, ngayon, masasabi ko, meron parin naman syang special space sa puso ko, after all, 4 na taon ko rin syang minahal).

Magkakaklase kami nung elementary (grade 5-6) tapos sa highschool, 1st year to 2nd year. May time nga naalala ako, 1st year ako nun, may bago na akong crush si U, accidentally napatingin ako kung saan nakaupo si R, nakita ko sya nakatingin sa akin, heller, obvious pa naman ako pag nahihiya, syempre nailang ako at tumingin kung saan-saan, siguro napansin nya na nakatingin ako kay U or kung ano. Hanggang sa dumating sa point na wala na talaga kami chance magkausap pa. Sayang at hindi kami naging magkaibigan.

Tapos nung completely nakalimutan ko na feelings ko kay R, si U naman pumalit, ewan ko kung dahil ba mejo similar sila ni E (ay sorry hindi ko sya naisali, aside kay R, crush ko tong si E nung grade 6, si E naman, dinidiskartehan yung kabarkada ko, ako kinukulit nito eh, ako kase silbing bridge nila ni J, ung kaibigan ko na dinidiskartehan ni E), ewan ko ba, biglang isang umaga, narealize ko na lang na crush ko na si U, e kasalanan ng stupidong panaginip na yun eh, pano, napanaginipan ko kaya si U na nagtatago sa likod ng pintuan, nakayuko, tinabihan ko sya, sabay---- HINALIKAN KO!!!

Pero ayun nga sa Interpretation of Dreams---KISSING. Pag ang babae daw ang humalik, ibig sabihin hindi raw mapapasakin yung guy, which naging totoo naman.

Ewan kung paano nangyare yun pero ever since nang dahil sa panaginip na yun, iniibig ko si U, as usual, one-sided, hindi rin nya alam, wala akong guts mag-confess ano! Sa totoo lang, sa lahat lahat ng mga inibig ko, itong si U ang unang nagpa-iyak sakin. Nung nalaman kong nagka-GF sya, at nakita ko silang dalawa ng GF nyang sumasayaw2, talagang pinigilan ko yung sakit at yung emosyon ko na magtake over nun, kalma lang ako at tahimik na umalis at pinipilit hindi tumulo si luha, pero nung pagkarating ko sa bahay, sinirado ko yung pinto ng kwarto at dun ako talagang umiyak ng uber! 

Matagal ako naka-get over sa kanya, kagaya din ni R, ilang taon ko rin syang minahal, as usual, one-sided parin. Hindi ko rin kase kayang mag-confess, hindi kaya ako hapon, na kayang mag-confess sa kanilang nararamdaman.

Nung college naman, hindi ko lubos akalaing maiinlove ako sa (ngayon, ito iba, kasi naging kaibigan ko, at most, naging bestfriend ko pa) kaibigan kong si G, atfirst, I hated this guy, sobrang naangasan ako nung panahon nung CAT namin, naasar ako sa comment nya dun sa para bang notebook na puno ng comments ng CAT officers... tapos hindi ko nagustohan comment nya sakin, kaya sobrang hateful ako sa kanya...

Pero nung nakilala ko na sya, syempre kaklase nung akoy Nursing pa (bago nagshift) nagbago yung perspective ko sa kanya, lalo na nung nagpaiwan sya para tulungan akong tawirin ang kabukiran dahil sa stupidong utos ng PE teacher namin, siguro dahil narin sa fact na mabilis ako mainlove kaya't... *sigh*

So, ayun naging close nga kami, sya yung unang guy na hinayaan kong maging close sakin, sya rin yung unang guy na kahawak-kamay ko nung naglalakad kami pauwi samin... Pero syempre yung relasyon namin mag-bestfriends ha... Hindi nya lang alam, crush ko sya, pero hindi ko rin alam, kase nung nagka-GF sya, merong syang Yokei na koto (or wala sya dapat pakialam at wala syang karapatan sabihin yun) na sinabi kay G, kase nung time na yun ang bahay talaga ang hang-out nila, alam kase ni GF ang feelings ko kay G, tapos sabi nya kay G, wag na daw sila magpunta sa bahay dahil ayaw na daw nya masaktan ako dahil nga mahal ko nga raw si G (telenovela ba ang buhay ko?) pero ang sabi raw ni G (accdg sa isang friend ko), "Oo alam ko yung feelings nya sakin". So kaya nagpapakita sya ng kabaitan sakin? Is he pitying me? I don't need it. Hindi na lang sana nya ginawa yung para hindi ako mas lalo nahulog sa kanya (nung time na yun syempre). Si G rin ang ikalawang nagpaiyak sakin kagaya or mas worst pa kay U, vague na kasi memory ko kaya't hindi ko na masayado malala...

Nung time na yun, may kaibigan akong nagyaya na magtransfer ako sa school na papasukin nya (which yun ang korso kong natapos talaga), that time din, meron din kaming bangayan ng mga kaibigan ko kaya't talaga porsigido akong umalis sa mala-impyernong paaralan na yun, tapos sabayan pa na alam na ni G yung feelings ko, hindi ko kayang magpakita sa kanya. So I tried my best na kausapin yung Mama ko para pumayag syang lumipat na ako ng school kasi hindi naman talaga Nursing yung gusto ko... later pumayag din sya. Kaya't kahit bali-baliktarin, it was a good choice, even until now. Syempre hindi sana ako makakapunta ng Japan kung hindi dahil sa paglipat ko.

Pero hindi ko maitatanggi it's my way para takasan yung embarrassment na nafeel ko nung nalaman ni G yung feelings ko sa kanya (kaya nga relate na relate ako kay Onodera eh, kase tumakas din yung gago, pero iba nga lang sitwasyon namin).

Nung lumipat naman ako, para uling telenovela ang buhay ko dun, lalo na nung nakilala ko tong gagong nagpaibig sakin na kung anong ka-ewanan at kapalpakan nagawa ko, at always nandyan sya pag gumagawa ako ng kabalbalan... O_O;

Nung unang Deai namin o meeting,  kasagsagan yun ng hindi pa namin kilala ang isa't isa (transferee nun tapos siya 2nd year, naging magkaklase kami kase irregular student ako dahil sa ibang subj ko na na-credit). Ayun, unang pagkikita namin, nahulog yung pencil nya, kaya pinulot ko at binigay ko sa kanya, syempre nung una wala pa akong na-feel na kung ano, hindi rin naman ako naniniwala sa "love at first sight" eh. Pero ewan ko ba kung bakit na-attract ako sa kanya... naglast din yung feelings ko for about 2-3 years. Pero, akala ko sa telenovela ko lang mapapanood nun, o sa comics o anime, pero sa totoong buhay, nangyare yung mga i thought sa tv ko lang mapapanood, gaya nung nagkasabay kami sa elevator (kami lang talagang dalawa, at alam mo yun, maf-feel mo yung tension). Ika-tatlong guy nagpaiyak sakin (ewan ko ba, emosyonal ako eh, pero I don't blame them, wala naman silang ginawang masama eh). Marami akong kapalpakan ginawa na nagpapahiwatig na crush ko sya, ofcourse alam nya yun for sure, iniwasan nya ako eh, heller! Kahit na ba, hindi po ako katulad ng mga iba mong taga-hanga na patay na patay sayo. Crush lang kita ano! Hindi ako mamatay kung hindi mo ako mahalin hahaha.

So ngayon meron parin naman syang special na lugar sa puso ko, afterall, kung akala ko sa fairytales lang mangyayari, nangyari naman somehow nung time na minahal kita, suskopo, uber clumsy ko na kung ir-remember ko lahat nang yun, sobrang nakakahiya! Putting that aside, ngayon meron akong crush, pero hindi pinoy, isa syang alien, este, yun ang tawag ko sa kanya eh, close-closan din kami nung gagong yun, taga-ibang planeta eto, at ewan kung saang lupalop galing, joke, hindi--- actually, caucasian sya, sa bansang malapit sa turkey at russia, marami sigurong taong hindi nakarining ng country nato, Azerbaijan. Oo, isa syang Azerbaijani. Isang hambog, puno ng hangin ang utak (pero meron naman din kase siyang maipagmamayabang eh).

Itong taong to, magkatulad sila ng ugali ni R, pero lahat ng deai namin nagsimula sa hatred katulad nung ka G, ako lang naman actually nagalit sa kanya eh, pano ba naman itong taong to, pinaglakad nya ako sa buong Osaka para sa Anime nya! Buwisit ka I, hindi ko parin makalimutan ang na-feel kung body--iya feet pain ng dahil sa ginawa mo, kaya sobrang "I HATE YOU" ang drama nitong taong to, at ewan kung bakit o pano nya ako ginayuma, bigla-bigla na lang akong head-over-heels sa kanya! Bwisit ka! Pinainom mo ako ng kung ano, ano?? Hahahaha! Hindi, sobrang hate yung nafeel ko dito eh, ewan ko biglang nagconvert to "love" pero siguro dahil narin yun sa laging constant teasing nung kaklasing (ngayon bestfriend ko na) na nakasama ko sa Japan.

Ayun nga, ever since na naging aware ako sa feelings ko sa kanya, dun naman sya sige ng sige ng pa-cute sa akin! May time nga eh, kinidhatan ako ng gagong ito eh! Kala mo gwapo ka! (well gwapo nga naman sya). Sa lahat ng crushes ko, itong gagong to, ito lang! As in, ito sya ang unang lalaking sinabihan kong "I SUPER LIKE YOU" (Kasalanan ng TRUTH or DARE na yan!) Actually, na-feel threatened ako nun since yung kapwang pinoy kasama ko nag-DARE, pero yung dare pupunta sya sa kwarto ni guy at bibigyan nya yung guy nung whatever bulaklak tapos magconfess sa taong like nya (kasalanan mo to M, ang pakana ng dare na yan). Tapos un ginawa nga ni J, eh pano, parehas kami ng tipo, so nung nagconfess si J, wala na, nag-risk narin ako, nagconfess narin ako. Sa totoo lang, mas marami akong first time na nagawa dahil sa lalaking to, first time ko magconfess (tila akoy haponesa), uminom ng alak dahil sa nagparty kami, eh andun sya sa party gusto ko sya makasama so----, sumayaw na sya ang partner ko (as in yung sayaw na hawak2 kayo bisig sa bisig churva)... my indirect kiss din nangyare since ginamit nya yung Cup ko para sidlan nya ng alkohol nya (adik yung taong yun eh, adik!)... Nagkasabay rin po kami sa elevator... nagkatabi rin kami sa Bus... nagkasama rin po kaming pumunta sa beach (pero apat kami nun). Pero, in the end, ika-4 din po syang nagpa-iyak sakin. Mahal ko parin ang taong ito hanggang ngayon, at hindi ko makuhang magalit sa kanya, kahit na alam ko, it was a bet--- hindi ko nga alam kung gumamit sya ng mahika eh, Hindi kase talaga normal yung nangyare biglang nainlove ako sa gagong hindi ko talaga ideal guy! (though I reminded me of R in so many ways...) Oh well, nung birthday ko nga nag-greet ang gagong to eh... uber saya naman ni Gaga. Although, nagmukha akong tanga, hindi ko naman pinagsisihan na minahal ko tong gagong to o nagconfess ako ng pag-ebeg sa kanya. Sa ngayon, sya parin crush ko, wala pa namang iba? So far wala pa. A! Oo, tumawag din pala ako sa kwarto nya at nasabi kung, "tumawag ako kase gusto kitang makausap" the hell. Pwede mahiya sa ginawa ko? hahaha. Lahat ng nangyare sa Japan, parang hindi ako yung nandun eh, lahat ng Hiya ko dun nawala! Uber! 

0 comments: